Entry: start of the new dawn Wednesday, January 23, 2008



hmm.. medyo mahaba ang lecture about diagnostic virology kanina. tapos biglang HIV/AIDS lecture.
toxic. nakakapagod.
tapos kung anu-anong genetic disorders sa patho. buti na alng wala kaming pasok bukas.
after ng classes, practice na agad for sayaw manila. medyo nafrufrustrate ako kasi parang hindi ko nagagawa ng tama yung mga steps. hai..wala sa focus...!
paano ba naman, may exam kami sa nutrition-lab sa thurs!
at sa malamang sa malamang lang, super memorization na naman yun. nakakapiga pa ng utak.
ito pa.
student council thing na naman.
hay. ang gulo. ang dami ko kasing iniisip.
ang tagal ko tuloy makapagdesisyon. hindi ko alam kung yung mga taong gusto ko sanang makasama ko sa party ay available pa.
ang konti lang namin. hindi ko alam kung magkakaroon ng awkwardness between us. hay. kasi sa kakaunting tao sa batch, 46, kapag tumakbo ako, ay magkakaroon ng dalawang party. sa isang party, mga 6 na incoming 4th yr na un.
hai. tapos mga kaibigan ko pa.
ang weird lang.
pero di ko alam.
ang alam ko lang, ang sabi ko sa sarili ko, tatakbo ako kung mananalo kami sa lantern parade ng 1st prize. pag other place, hindi na ako tatakbo, at any cost. pero nanalo nga kami. ngayon, ang laki ng dilemma ko.
hay.

growing pains siguro ang tawag dito.
mas maraming nangyayari. ang bibilis.

sana mamaya. ok na ang lahat.
pero parang malayo yung mangyari.
putik. the fear of rejection. the fear of being embarassed. the fear of being under the scrutiny of many critiques' eyes.

ewan ko. i need to take a stand.
and i think, all leaders stood. i think, it is my time now.

(last statements, wag masiyadong intindihin. ang gulo lang. hehe! have a nice day!)

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments