|
naging sobrang busy din kasi ng buhay ko. atsaka, napgtanto ko, wala namng "bloggable" na nangyayari sa akin. bukod sa nadepress ako dahil sa anatomy. hmm..nagkaroon ako ng hidwaan sa isa sa mga dati kong pinaka-close na tao.. nawala ang cellphone ko sa library, na pera ko ang ginamit na ipambili.. 2 beses kong naka-alitan yung isa kong classmate: isa, may sigawan at iyakan, yung isa, may walk-out at hulugan ng rugby.. mga piling "momentous" moments sa mga bagay na personal.. hmm.. maraming nawala, maraming naidagdag, may mga ilang-ilang pagbabago sa buhay ko. pero hanggang ngayon, ang ako ay parang ako pa rin. siguro, mas malakas kaysa dati, mas naging responsable, mas naging matalino, mas naging masama (hahaha!). ewan. siguro ngayon, nararamdaman ko ng tumatanda ako. big time! hahaha! at sana lang, hindi ako tumatanda ng paurong... anyway.. gusto ko lang talagang maglagay ng something sa blog na ito. kasi nagiging waste of webspace na lang ito. haha! at gusto ko lang idagdag!!! NANALO KAMI SA LANTERN PARADE '07! Best Lantern! Merriest Group! Best Facade! (4th yrs) haha! go ph! inggit lang ang iba. bitter pa. hahahahaha! |
| Leave a Comment: |