Entry: Bloopers! Saturday, April 07, 2007



Haha! Nakakatawa iyong host sa tv nung isang araw... babae siya, sa isang noontime show. Hindi ko lang matandaan, hindi naman kasi ako madalas manood noong mga ganun. Anyway, nabanggit niya iyong paghahanda at pagninilay ngayong Holy Week. Ang sabi niya, "ano ba ang dapat gawin ngayong TODOS LOS SANTOS?" Hehe! Adik. Todos los santos daw. Kailan pa naging all saint's day ang holy week?! hehe! Di ko talaga gets.. Baka semana santa.. come on... o mahal na araw... nagspa-spanish pa kasi e.. hindi naman alam ang sinasabi.. pero sige na nga, baka her bad lang talaga at isang innocent mistake. Pag palagay na lang natin na ang iniisip talaga niya ay semana santa, at ang nabanggit lang ay todos los santos. Hehe! Careful na lang sa susunod ija, marami kasing nanonood, baka maniwala sila na todos los santos ngayon. :)

Isa pang blooper, aka pamahiin, na natatandaan ko,  iyong hindi paliligo kapag BIyernes Santo. Sa dad side ko, Aglipayan sila, Philippine Independent Church. Parang Catholic, pero may ibang paniniwala. Kaunti lang naman ang kaibahan. Iyong side ng mom ko, Roman Catholic. May paniniwala kasi na bawal maligo from or until a certain time. Iyon ay pag 3 pm, kung kailan namatay si Jesus. Sa side ng mom ko, bawal maligo after 3. Sa side ng dad ko, bawal maligo before 3. Eh...?! Paano kaya iyon?! Huwag na lang maligo?! Or sa loob lang mismo ng 3 pm maligo, hmm..mga less than a minute?! Hehe! Ewan ko ba.. at kapag minamalas ka nga naman, lagi ko na lang napapansin na kapag Biyernes Santo, napakainit at napakalagkit sa katawan ang pakiramdam. What more ang hindi maligo. At hindi ko rin alam ang kabayaran/kapalit kapag sumuway ka sa pamahiin na ito. SIno may alam? Paki sabi naman...

Last, bago ako matulog, iniisip ko kung ilang araw ba patay si Jesus. Ang pagkakatanda ko kasi, tatlong araw. Tapos sa ikatlo, doon lang siya nabuhay. Easter nga naman. Pero bakit ganoon, ang in-o-observa natin ay: pinako at namatay siya ng Friday ng 3 pm, at nabuhay siya sa Sunday ng mga 6 am (salubong). Kung tutuusin, isa't kalahating araw lang siyang patay, inconsistent sa Biblical accounts. Kung sasabihin niyo naman na it's just a mere representation, eh, bakit hindi standardized ang scaling nila ng time, mula palm sunday hanggang easter sunday... kung  40 days naman nanatili si Jesus sa Jerusalem. Sino kaya umimbento nito?

Anyway, anu't ano man, ang mahalaga ay ang pagninilay-nilay natin sa mga nagawa nating kasalanan. Kahit papaano, makakabuti ito sa pagkilala natin sa ating sarili. Maliwanagan at makaintindi ng mga bagay na kahit kailan ay hindi natin nabigyan-pansin dahil sa bilis ng pagtakbo ng oras, ng ating buhay. Ano man ang relihiyon o paniniwala.. hindi ito hadlang para maging mabuti tayong tao. Sabi nga nila, wala namang relihiyon ang nag-isip o hinangad ang masama sa kanyang kapwa.. :)

Happy Holidays... enjoy the vacation!

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments