Entry: Pamahiin Friday, April 06, 2007



Natatawa at naiinis ako sa mga pamahiin ngayong semana santa.
Naiintindihan ko iyong iba, pero iyong karamihan, ewan ko ba, parang may sira ulo diyan sa kanto ang nagsabi ng mga bagay-bagay na pinaniwalaan naman ng karamihan. Those who should have known better. Ewan.
Example, kanina, habang nagbibisita iglesia kami, napag-usapan kung ano ang kakainin namin bukas. Basta, sa dami ng diskusyon kung ano ang dapat kainin, (puro seafoods, kasi kailangang mag-abstain kasi good friday, so walang meat, or their derivatives), nagmungkahi ako na kung bakit hindi na lang mag-ihaw ng isda? At ang sagot sa akin, hindi pwedeng mag-ihaw kasi bawal. Bakit, tanong ko naman, eh, isda naman ang iihawin. At ang sagot lang sa akin ay,

"Mangingitim ang mukha ng nag-iihaw sa buong taon."

Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko sa pagtawa. Aba namang pamahiin iyon. Kamusta naman. Weno naman ngayon kung mangitim ang mukha. Pero, wala talagang ka-scie-scientific or logical basis. Parang may nantrip lang. O ma isang taga-ihaw ang naasar sa dami ng kanyang iniihaw at umimbento ng sarili niyang pamahiin. Iyong mga taong maitim talaga (genetically) o kaya iyong mga hindi naliligo ang umiitim ang mukha. O kaya naman iyong mga nasunog ng kemikal o ng araw. Pero, sa pag-iihaw? No way!

Katumbas nito iyong pamahiin na kapag nasugatan ka kapag Good Friday, eh hindi na ito gagaling.

Kamusta naman iyong libu-libong nanganak o manganganak ng napaka-decisive na araw na ito. Eh di, hindi na gumaling ang mga sugat nila?! Hindi kaya inaamag/ ninanana/ nabubulok iyong mga genitals nila?! Kasalanan ba iyon?! Paano iyong mga libu-libong inooperahan?! Ilalagay pa sa bingit ng kamatayan ang mga taong mag-papa-apendectomy, na ipapa-cancel ang operasyon niya kahit poumputok na ang kaniyang appendix, para lang ma-obserbahan ang walang kabase-basehang paniniwalang ganito. Hai..

Hindi ko talaga alam kung bakit ang mga tao bigla-bigla lang naniniwala s akung anu-ano. Kung sinasabi nila ito para sa kanilang paniniwala sa kanilang relihiyon, dapat mag-isip-isip tayo muli. Hindi kailanman ninais ng Panginoon na mapahamak tayo. Hai.. Kaya nga tayo binigyan ng utak para mag-isip, para madifferentiate ang tama sa mali. Hindi iyong basta-basta lang tayo naniniwala sa kung saan-saan, kung kani-kanino.

Ewan ko ba. Hindi ko talaga mapaliwanag. Napaka-gullible natin. Sana lang hindi tayo mapahamak.

   2 comments

austine
April 7, 2007   01:38 PM PDT
 
hehe.. e kasi naman, sino ba naman may sabi sayong mangulit ka?! hehe! bka nanghihingi ka ng pera.. e bawal maglabas yta ng pera pag good friday.. hehe!
lenlen
April 7, 2007   12:54 PM PDT
 
wahahahahehehe. Sabi nga ni Mama, wag raw ako makulit pag good friday kasi patay ang poon e. Kamusta naman diba. hehe.

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments