Entry: Waiting Friday, April 06, 2007



Ngayon, naghihintay ako. Naka isang semestre na na naman ako. Naipasa ko naman silang lahat. Mukha namang maayos. Naexcempt pa ako sa OrgChem. Akalain mo yun!? Grabe, nung nalaman ko yun, natawa lang ako sa sarili ko. As in sa sarili lang (hindi tulad ni Tonicci na nag-ingay sa buong dorm, tumalon, tumakbo at nagsisigaw mula sa kwarto nila palabas, sabay kuha ng cellphone at hala, pinaalam na sa buong mundo). Andoon lang ako sa baba, nag-aaral. Kasama ng iba, na may test pa rin sa susunod na araw. Na-excempt nga ako, pero sapat ba na ba iyon?

Siguro naging close na rin ako kay Iris, medyo na-adopt ko na rin iyong attitude niya. Dati rati, inaasar ko siya na , "The Worrier is a Child", eh, isa naman akong malaking worrier. Sa bagay, mas madali nga namang pumuna ng ibang tao kaysa sarili. At ngayon, hindi ko maiwasan na mangamba na mababa lang ang makuha kong grade.

Yeah, grade conscious ako. Eh, hindi ka naman sioguro mabubuhay sa MaSci, at sa UP, lalo na sa PH (at kung may pangarap ka magmed), kung hindi ka GC. Lalamunin ka lang ng systema ng buo. Buong-buo. Competitive ang environment. Nakakalungkot, minsan. Pero ganun talaga e. Ginusto ko ito e.

Naiinis ako sa mga taong lagi na lang tinitignan, tinatanong, pinapakailaman ang grades ko. Para bang lagi na lang nila gusto ako kumpetisyunin. Ano bang pakialam nila? Tataas ba ang grades nila kung malaman nila ang grades ko? Absurd! Naiinis lang ako. Kasi hindi ba nila alam na wala naman akong pakialam sa grades nila. At privacy ko iyon. At hindi rin ba nila alam na ang pagtingin sa mga bagay, tulad ng grades, or sulat ng iba, na walang paalam, ay pwedeng grounds para sa isang civil case? Nakakainis, kasi akala mo na nauunawaan na nila ang nararamdaman ko, eh, hindi naman pala. Mapagpanggap.

Hanggang ngayon, may mga tao pa ring nabubuhay sa Medieval Ages. Tulad ng isa kong kaklase, na kaibigan dati, na pinagdidikdikan ang prinsipyo at pamantayan sa buhay sa akin. Eh, wala naman talaga akong pakialam doon. Naiinis ako kasi hinuhusgahan niya na ang buo kong pagkatao, knowing- or unknowingly. Para bang kilala niya na ako. Eh, kung iyong sarili ko nga, hindi ko pa kilala, siya pa kaya? At dahil doon, hindi na ako masiyadong sumasama. Noong una, napagtitimpi ko pa e. Kasi nga naman, galing sa isang napak-strikto at konserbatibong pamilya. Tsaka, binigyan ko rin ng oras para makilala ako. Pero hindi ko kayang makipag-plastikan. Kaya, I just drifted..away.. para wala na lang gulo.

Nagmove-out na rin ako sa dorm, after isang semester. Nagmove-out lang ako. Nothing eventful.

Iyon lang. Gusto ko lang ilabas ang iba sa napakaraming hinaing ko sa buhay. Baka kasi mabawasan ang depresyon ko ngayon. Wala lang, inaatake na naman kasi ako. Baka bukas, maayos na ang lahat.


   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments